Sorority Sister na lang?

Sorority Sister na lang?  Ganon na lang ba talaga?  Wala lang.  Kasi nung nakita ko yung invite mong yun kanina – ewan ko bakit parang iba yung naramdaman ko.  Iba yung naging kabog ng damdamin ko.  Iba bigla yung tinibok ng puso ko.

Pero para sa akin – life partner pa rin kita.  Soul mates nga tayo diba?  Hindi naman porket magkakaron na ako ng ibang buhay – hindi na kita pwede maging soul mate diba?  Kahit magkalayo na ang landas natin – parte ka pa rin ng buhay ko diba? 

Mahal nga kita e.  Sabi mo – mahal mo pa rin ako.  Sana totoo talaga yun.

Leave a comment