Nakakabobong mga Pakiwari

Gusto ko lang matulog ngayon.  Matulog ng panghabang panahon.  Pagod na ako.  Pagod na pagod.

Ayaw ko ng makita pa.  Ang mga bagay-bagay sa aking paligid.  Ang mga bagay-bagay na nagbibigay ng kagulumihanan sa aking pag-iisip.

Maaari bang isara ang tenga?  Sa mga naririnig na hindi maganda? Nais ko lang ng katahimikan.  Kahit sandali lang.

Ayaw ko ng mag-isip.  Pakiwari ko ba’y ang aking utak ay natutunaw ng unti-unti.  Nais ko lang ang mag-pahinga.  Ako ba’y maaaring pag-bigyan?

Leave a comment