Nakakabobo lang ang mga pangyayari.
Wala lang.
Wala na akong masabi e. Siguro eto na lang talaga yun.
Kahit na gusto ko pang isa-isahin at hima-himayin ang mga pangyayaring naganap at nagaganap pa, hindi ko na rin kayang gawin.
Pagod na lang siguro din ako.
Bahala na. Bahala na kung anong pwedeng mangyari. Bahala na kung panghabang-buhay ng ganito ang lahat. Bahala na.
Wala naman taong totoong masaya e. Oo, masaya ka, nakangiti ka, pero ang nasasaloobin mo naman ay hindi purong kasiyahan.
“There’s no such thing as pure happiness.”
Siyempre, nagkakaproblema ka. Hindi mo nga lang siguro pinapahalata sa mga taong nakapaligid sa yo.
May iba naman na nagtatago sa likod ng iba para hindi makita ang kalungkutan na nakabakas sa mukha. May iba naman na lagi na lang naghahanap ng gimik para matakpan ang sakit na nadarama. May iba na binabalewala na lang ang lungkot at paghihinagpis para kahit papano, matakbuhan nila ito.
Ewan.
Sayang lang. Sayang lang ang lahat. Nagpundar pa ako ng emosyon, ng pagiisip, ng pagmamahal, ng pagaalala – pero nabalewala lang din. Sayang lang.
Dibale, ganon talaga ang buhay. Wala tayong magagawa kung ganon ang nangyari. Tanggapin na lang ng maluwalhati sa puso mo. Ganon talaga e.
Pero kahit anong mangyari – hindi ko pa rin pinagsisihan yung mga napundar kong yun. Kasi kahit papano, “worth it” pa rin yun.
Haay…
Nakakabobo noh?