WORDS of WISDOM galing sa Nanay ng barkada ko sa Pilipinas. Napaisip tuloy ako dito. Nay Pilar, salamat ha?!
Kung may sasabihin ka, siguraduhin mong hindi babalik sa yo yung sinasabi mo. Siguraduhin mong hindi mo pinapatamaan ang sarili mo. Sayang lang din naman ang ginugol mong oras sa pag-iisip ng mga sinabi mo, kung wala rin namang patutunguhan, kundi ang sarili mo. Bago ka magsalita ng kahit ano tungkol sa ibang tao, tingnan mo muna ang sarili mo. Kasi baka yung mga salitang bibitiwan mo, e tungkol pala sa yo. Bumalik lang sa yo. Sayang lang diba?