Nowhere To Go · Random Thoughts

Para Sa ‘Yo

Hello,

Kumusta ka na?  Hindi ka na nagre-reply sa mga sulat ko ah.  Ok ka lang ba?  Sana naman.  Ok naman siguro tayo diba?  Sana din.

Alam ko – marami kang pinoproblema ngayon.  At alam kong isa ako dun sa mga problema mong yun.  Alam ko.  Hindi naman ako manhid e.  Nakikita ko naman sa mga blog mo na yung ibang mga bagay na sinusulat mo e tungkol sa nararamdaman mo para sa akin.  Napapansin ko rin sa mga pagsulat mo sa akin noon na nahihirapan ka na sa sitwasyon natin. 

You can’t let go of me, sabi mo nga.  Same goes for me.  Sabi mo pa nga selfish ako dahil ganon ako.  Pero yun nga, sabi ko naman sa yo – kung kelangan mo akong kalimutan na, dahil hindi mo na rin kaya – sige, ok lang.  Kung para sa ikabubuti mo naman ang gagawin mong yun, sige – ok lang.  Ayaw ko man, ayaw ko rin maging selfish tulad ng sinabi mo.

Sana mapatawad mo ako.  Oo, alam ko na sinabi mo noon na napatawad mo na ako.  Pero ramdam ko na hindi pa rin e.  Lalo na ngayon.  Alam kong nakakarinig ka ng mga bagay-bagay tungkol sa akin na sana e – ako dapat ang unang magsasabi sa yo, pero nalaman mo na sa iba.  Hindi ko gustong saktan ka.  Hindi ko intensyon na gumawa ng mga bagay-bagay habang nakatalikod ka.  Sasabihin ko rin naman e.  Naunahan lang ako.

Sana maging maayos pa rin tayo.  Alam kong ngayon, tina-try mong mawala na ako sa sistema mo.  Mentally, emotionally pati physically.  Ok lang.  Siguro nga, kelangan mong tuluyang makalimutan na ako ay nag-e-exist pa rin para maging ok ka na ng lubusan.  Sana lang, pag ok ka na – maging ok rin tayo…  Hindi ko alam kung pwede pang mangyari yun pero sana lang…

Nalulungkot ako.  Kasi minahal naman kita e.  Kahit naman siguro hanggang ngayon, mahal pa rin kita.  Soulmates nga tayo diba?  You got a part of my heart na kahit kailan ay hindi na babalik pa sa akin muli.  Ewan ko lang kung panghahawakan at iingatan mo pa rin yun.  Sana lang.  Hindi ako magugulat though kung hindi na at kung ayaw mo na.

Sana kausapin mo pa rin ako pagkatapos nito.  Ayoko naman na pag nagkasalubong tayo minsan sa kalsada e – hindi na tayo magpapansinan.  Parang yung ginawa mo noon kay R***.  Nagalit ka kasi parang ginago ka niya sa tingin mo.  Pero sana, hindi na humantong sa ganon yung sa ating dalawa.  Ayoko naman ng ganon. 

Ayokong itapon kung ano mang naging meron sa atin.  Importante lahat yun sa akin e.  What ever happened sa atin helped make me what I am today.  Sana lang, huwag mong itapon ang lahat ng iyon.

Patawarin mo ako.  Mahal kita.  Kahit kailan ata, hindi na magbabago yun.  Kahit magkaroon na tayo ng kanya-kanyang buhay.  Ikaw, hindi ka na mawawala pa sa puso ko.  Tandaan mo yan.

Ako pa rin ito.

Ako.

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s