Dalawang taon. Dalawang taon na pala ang nakakalipas. Ang bilis ng araw noh? Hindi mo aakalain na dalawang taon na ang nakakaraan ng huli tayong magkita.
Nobyembre 26. Malapit na pala itong araw na ito. Araw na tinuring nating pinaka-importante sa pagitan nating dalawa. Ito ang naging simulain ng ating pagkakaunawaan. Simula ng bagong buhay. Simula ng bagong kasiyahan.
Naaalala ko pa yung unang unang araw na pinakilala kita sa magulang ko, sa pamilya ko at kung paano ka nagpaalam sa magulang ko para maging tayo. “Tita, mahal ko po ang anak niyo. Ok lang po ba kung maging kami?” At siyempre, narinig natin ang matamis na oo. 🙂
Ngunit hindi rin nagtagal – e kinailangan nating maghiwalay. Totoo, 2 years ago – sa airport entrance na yun. Tinanong ko rin sa sarili ko kung yun na nga kaya ang huli nating pagkikita. Hiniling ko na sana wag naman. Napaka-importante mo sa akin para mawala ng ganon na lamang. Soulmates nga tayo diba? Sabi ko pa sa iyo, bago ako mag-board ng eroplano – “Kahit anong mangyari, soulmates tayo.” And true enough – kahit papano, kahit na marami tayong sakit na pinagdaan at maraming hinanakit na kinimkim, we tried to keep that promise.
Yep, your hurts were my hurts too. Your sorrows, my sorrows. Your joys were my joys. Your accomplishments were mine as well. Actually – hindi nga dapat siya “were” kasi it still is. They still are. I rejoice when you’re happy and I weep when you’re down. You took care of me. The same way that I took care of you. Yes, you were my baby. Kaya hindi na lang ganong basta bastang mawawala kung ano man tong meron tayo. Sobrang dami na nga talaga ng pinagdaanan natin. Ikaw kasi yung tipong tao na wala akong matago na kahit ano. Kahit na sobrang gago na yung mga pinaggagawa ko, alam kong susubukan mo pa rin na intindihin yun at hanapan ng rason kung bakit nangyari yun. Umiyak ka rin nung nasaktan ako. Nung nahirapan ako. Masaya ka rin nung masaya ako. Nung time na ang mga achievements ko ay sobra sobra.
Pwera na nga lang nung dumating na si Carlo sa buhay ko.
I know, somehow – I was at fault there. Kasi diba nga, sinabi natin sa isa’t isa na kung sino man sa atin ang makahanap ng panibagong makakasama sa buhay, e sasabihin natin. Kahit na may masasaktan, kahit na may hindi makakatanggap, at least – e alam nating pareho.
I knew you learned about us from a common friend. I knew you saw a picture of us together. And from that time you learned about us – you became distant. You walked away from me. I understand that you were hurt. I understand that you felt like I lied to you. Kasi oo nga naman – imbes na malaman mo sa akin directly – you have to find out about it through other means pa. Pero when I tried explaining myself – you were gone.
That was a sad sad day for me. Kung alam mo lang.
I tried reaching out. But you were nowhere to be found. I tried talking to you. But you were suddenly cold. Whenever I learn new things about you – I didn’t know if I was to be ecstatic or sad because we never talked after that incident. I rant to people about it. I cry to people about it. Somehow, it releases the pain. Pero yun lang yun. Pampalabag-loob.
Right now though – I feel happy. Regardless of whatever that had happened between us. Tingnan mo naman, kahit blog lang e – napapangiti mo ako. At the same time, napapaiyak mo rin. Mukha nga akong tanga habang binabasa ang mga sinulat mo. Dalawang blog entry yun. Hindi ko napigilan ang mga luhang pumatak at umagos sa aking pisngi. Hindi ko rin napigilang tumawa at ngumiti ng napakaganda. Mukha nga akong baliw. Well, come to think of it – baliw nga pala tayong pareho. Haha.
Nakita nga ako ni Carlo habang binabasa ang mga sinulat mo. Tinanong niya sa akin kung may problema daw ba. Sabi ko – wala. Masaya lang ako ng mga oras na yun. And then he read what you wrote. Isa lang ang sinabi niya matapos niyang basahin yun, “Ang swerte mo at meron kang Ackey.” And I just smiled through my tears, feeling genuinely happy.
I don’t want this relationship to end. Because I cannot say that I don’t love you anymore. Ikaw rin naman e. Sabi mo nga, hindi pwedeng masabing “I loved you” kasi past tense na yun. At somehow – in the deep recesses of our hearts – mahal pa rin natin ang isa’t isa. Hindi naman talaga kasi mawawala yun e. Parte ka na ng buhay ko. Hinding hindi ka na talaga mawawala pa. Hindi na lang siguro tayo tulad ng dati na pwedeng tawagin atin ang isa’t isa. Pero yun nga – tulad ng sinabi ko sa iyo nun – soulmates tayo. Palagi.
Ayoko ng goodbye. Kasi pag sinabi mong goodbye – parang hindi na tayo magkikita pa e. Kahit kalian. At please lang, ayoko ng ganon noh? Ayokong hindi ka na makita pa. Kaya see you around will do. Because I know, in my heart – I will really see you. Still.
Sabi pa nga ni Carlo, ikaw daw ang godfather ng magiging anak namin. If that’s not asking too much from you. At kapag pumayag ka, ibig sabihin nun, magkikita at magkikita pa rin tayo.
I am continually praying for you baby. I really do hope that you find genuine happiness.
And yes – I love you, too.
11/23/2007
2:16PM