Ang sarap ng tamis ng bagong pagibig
Ang sarap mahulog paulit-ulit
Sa iyong mga bisig at halik
Patuloy akong nanunumbalik
Bagamat marami silang nagsasabi
Pagibig mo’y hindi puro luwalhati
Hindi ko pa rin kayang ika’y iwan
Puso ko’y sinisigaw ang iyong ngalan
Hindi ako naniniwala
Sa mga naririnig na bali-balita
Na ikaw daw ay hindi totoo
Aktingan lang daw ang ginagawa mo
Subalit ibang iba ka pagdating sa akin
Iba ang iyong mga ngiti at tingin
Patuloy mong binubuwag ang lahat ng sabi-sabi
Kaya naman sa’yo ako’y patuloy na nahuhumaling
Pinanindigan mo ang lahat
Buong pagkatao ko’y iyong binuklat
Ikaw at ako – iyon nga ang sabi mo
Tayong dalawa – hanggang dulo
04/11/2016